Tuesday, February 24, 2026

β€Žπ—œπ—‘π—”π—”π—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—š π—£π—”π—–π—€π—¨π—œπ—”π—’-𝗠𝗔𝗬π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—₯π—˜π— π—”π—§π—–π—›, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π—šπ—”π—‘π—”π—£π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—¦ π—©π—˜π—šπ—”π—¦

β€Ž
β€ŽCauayan City – Muling magtatapat sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., sa isang professional rematch na nakatakdang ganapin sa Setyembre 19 sa Sphere sa Las Vegas.
β€Ž
β€ŽIpapalabas nang live ang laban sa Netflix, ayon sa anunsyo ng kampo ng dalawang boxing legend.
β€Ž
β€ŽMagbabalik si Mayweather sa professional boxing matapos ang ilang exhibition bouts mula nang magretiro noong 2017. Huli siyang lumaban sa pro bout laban kay Conor McGregor kung saan nanalo siya via 10th-round TKO.
β€Ž
β€ŽSamantala, si Pacquiao, 47, ay nagretiro noong 2021 upang tutukan ang kanyang karera sa politika ngunit bumalik sa ring noong Hulyo laban kay Mario Barrios para sa WBC welterweight title na nagtapos sa draw.
β€Ž
β€ŽMay kabuuang 62 wins sa 73 fights si Pacquiao at nagkampeon sa walong weight divisions.
β€Ž
β€ŽAng una nilang paghaharap noong 2015, na tinaguriang β€œFight of the Century,” ay nagtala ng rekord sa pay-per-view at live gate revenue.
β€Ž
β€ŽNoon ay nanaig si Mayweather via unanimous decision, ngunit ngayon ay muling magtatagpo ang dalawang boxing legends para sa isa na namang makasaysayang laban.

Photo credit: Netflix/FB

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments