π—œπ—‘π—”π—šπ—¨π—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—š π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗙𝗒π—₯ π——π—œπ—¦π—˜π—”π—¦π—˜ 𝗣π—₯π—˜π—©π—˜π—‘π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗑𝗗 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Isinagawa ang inagurasyon ng Center for Disease Prevention and Control sa bahagi ng Region 1 Medical Center, ngayong araw kasabay ng groundbreaking sa isasagawang Nuclear Medicine Facility.

Ang naturang kaganapan ay dinaluhan mismo ni Department of Health Secretary Dr. Teodoro β€˜Ted’ Herbosa at iba pang malalaking opisyal ng lungsod – tulad na lamang ni Mayor Belen T. Fernandez, Former Speaker Joe De Venecia, Manay Gina De Venecia, at Congressman Christopher De Venecia.

Anila, ang naturang development sa pasilidad at serbisyong medikal sa mga DagupeΓ±o ay pinag-iigting at pinagbubuti na siya ring inaangkop sa umiiral na batas ukol sa Universal Health care.

Samantala, patuloy pa rin ang pagpaplano at pagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pangkalusugan sa lungsod, katuwang ang lokal na pamahalaan at ng Kagawaran ng Kalusugan para sa kapakanan ng bawat DagupeΓ±o. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments