𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗕-𝗨𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗖𝗔𝗗𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Bubuksan sa bayan ng Mangaldan ang pinaka-unang sub unit ng PNP-PCADG sa Ilocos Region ngayong buwan ng Pebrero.

Ang naturang sub-unit na ito ay magiging tugon sa mas aktibo at mabilis na serbisyong publiko ng PNP-PCADG sa mga Pangasinense na nangangailangan ng tulong.

Isa ito sa pangunahing mandato ng PCADG para sa pagpapalawig pa sa suporta ng komunidad sa mga programa at aktibidad na meron ang kapulisan.

Kaugnay rin sa serbisyong kanyang pinapalakas ay ang pagpapalaganap ng may kabuluhang impormasyon pagdating sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.

Samantala, nagpapasalamat naman ang PCADG sa lokal na pamahalaan ng Mangaldan at sa PNP para sa kusang pagbibigay ng mga ito ng kanilang magiging opisina sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments