𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Patay ang isang bente siyete anyos na binata matapos ang naganap na aksidente sa bayan ng Mangaldan.

Ang biktima ay nakilalang si Cedie Aquino residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas dos ng madaling araw sa bahagi ng Barangay Banaoang kung saan ay sinusundan umano ng motor biktima ang Isang Mixer truck nang hindi umano nito mapansin na liliko ang truck dahilan upang bumangga ito.

Dahil dito ay tumilapon ang biktima na agad nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Dinala naman sa himpilan ng pnp ang driver ng mixer para sa karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments