𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗟

Binaril ang Isang lalaki matapos nitong subukang maningil ng utang sa Isang magsasaka sa Brgy. Barangobong, Villasis, Pangasinan.

Ang suspek ay 38 anyos. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinisingil umano ng biktima ang suspek sa P2, 000 nahiram hanggang sa sila ay magkasagutan.

Maya-maya pa ay bumunot ng baril ang suspek at Binaril ang biktima sa hita.

Nakatakas pa ang biktima at nagtago sa maisan.

Nang mapansing wala na ang suspek agad na nagpasaklolo ang biktima upang maitakbo sa ospital.

Patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya para sa posibleng pagkakaaresto ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments