π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 𝗑𝗔π—ͺ𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯ 𝗦𝗔 π——π—”π—¦π—’π—Ÿ, π—‘π—”π—›π—¨π—Ÿπ—œπ—”π—‘ π——π—œπ—‘ π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—π—¨π—”π—‘π—”

Arestado ang 23 anyos na si John Elaida sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Petal, Dasol matapos itong mahuli na minamaneho ang motor na naiulat na nawawala.

Ang second hand na motor ay pagmamay-ari na ng 39 anyos na ambulance driver na si Rolando Guillermo. Iniwan umano ang motor sa harap ng kanilang bahay nang tangayin umano ito.

Narekober din sa suspek ang humigit kumulang 14 gramo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P1,680. Nakumpiska rin sa suspek ang isang hand grenade.

Nasa kustodiya ng Dasol Police Station ang suspek at haharap sa mga kasong paglabag sa RA 10883 at RA 9165. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments