𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗘-𝗕𝗜𝗞𝗘 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟, 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Nagbanggaan ang isang motor at three-wheeled electric bike sa kahabaan ng San Manuel-Binalonan Provincial Road sa Brgy. Guiset Sur, San Manuel.

Kumaliwa umano ang electric bike dahilan para magbanggan ang dalawang sasakyan na magkasalungat ang tinatahak na daan.

Nagtamo ng galos at pasa sa iba’t-ibang parte ng katawan at mukha ang 38 anyos na driver ng motor na si Jomar Tobias at sugatan naman ang 14 anyos na backride nito. Samantalang sugatan din ang 60 anyos na driver ng electric bike.

Lumalabas sa medico-legal na nakainom ng alak ang driver ng motor.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng San Manuel Police Station ang mga napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments