𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Kalaboso ang dalawa katao matapos silang mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Lingayen.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jason Cayabyab at Wilson Paras parehong residente ng Dagupan City.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas onse ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng dalawang achet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .5 grams at nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek na napag alamang kasama sa listahan ng mga street level individual sa usapin ng illegal drugs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments