π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—–π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—”π—’ 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—‘π—”π—‘π—”π—žπ—”π—ͺ π—‘π—š 𝗠𝗒𝗧𝗒π—₯π—¦π—œπ—žπ—Ÿπ—’

Arestado ang isang treinta y tres anyos na lalaking nasa likod umano ng pagnanakaw ng isang motorsiklo sa bayan ng Calasiao.

Ang suspek ay nakilalang si Jon Jon Vinuya residente ng Barangay Lasip sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon iniwan ng biktima na nakilalang si Denmark Lansen ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada upang bumili ng karne sa palengke.

Pagbalik nito ay wala na roon ang kanyang motor, kaya agad na inireport sa PNP.

Dito ay natunton ang motor sa kustodiya ng suspek sa bahagi ng brgy San Miguel at agad na inaresto ng mga awtoridad.

Narekober din sa suspek ang ilang pares ng damit at isang tinidor na diumano posibleng ginamit bilang improvised key.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Law at kasalukuyang nasa kustodiya ng Calasiao PNP. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments