𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗘𝗟

Patay ang isang trenta y kwatro anyos na hollow block maker matapos ang naganap na aksidente sa bayan ng San Manuel.

Ang biktima ay kinilalang si Joenie Saradenas residente ng bayan ng Sta Barbara.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng San Manuel-Binalonan Road ng Barangay Sto Domingo sa bayan ng San Manuel pasado alas sais ng gabi.

Sinasabing sakay ng kanyang motor ang biktima at nag-overtake sa sinusundang kulong-kulong subalit aksidenteng mabangga nito ang likurang bahagi ng kolong kolong dahilan upang matumba ito at tumilapon sa kalsada.

Nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments