Monday, January 26, 2026

𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Cauayan City – Arestado ang isang magsasaka matapos magsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Kasibu Police Station sa Barangay Malabing, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Caloy” na residente ng nasabing lugar.

Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska ng pulisya ang isang unit ng caliber .45 Armscor handgun, apat na bala ng caliber .45, at isang magazine ng parehong kalibre.

Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa himpilan ng Kasibu Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.

Ipinaalam rin sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Photo for Illustration Only

———————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments