𝗠𝗔𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝟱𝟳°𝗖, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Posible pang pumalo sa 57°C o klaspikasyon sa ilalim ng extreme danger category ang maitatalang heat index sa bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kasunod ito ng naitalang 53°C nito lamang Linggo sa Iba, Zambales at pinakamataas na heat index sa ngayong taon.

Sinundan ito ng 51°C na naranasan naman sa lungsod ng Dagupan noong April 29.

Inihayag ng PAGASA na magpapatuloy ang mararanasang matinding init ng panahon hanggang sa ikalawang linggo ng buwan ng Mayo.

Samantala, nasa apatnapung bahagi sa bansa ang inaasahang makararanas ng mula 40 hanggang 51°C na heat index ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments