Pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang mga beach goers na dadagsa sa paggunita sa Pistay Dayat 2024 ang ukol sa pagpapanatili ng kalinisan maging ang kanilang kaligtasan sa tuwing bibisita sa mga beaches.
Pakiusap ng mga naglilinis sa mga beach tulad sa Lingayen at Binmaley beach na kung maaari ay maging responsable ang mga beach goers sa mga basura at itapon ito sa tamang tapunan.
Sa lingayen beach at baywalk naman, pakiusap ng awtoridad na sumunod sa mga ipatutupad nilang regulasyon sa paggunita sa Pistay Dayat lalo na ang bawal na pagsasagawa ng mga ilegal na aktibidad sa loob ng mga beach.
Samantala, bukas pa rin sa publiko ang lingayen beach at maaari pa rin itong bisitahin ngunit ibayong pagsunod na lamang sa mga ipinagbabawal at regulasyon sa naturang lugar ang dapat na sundin ng mga bibisita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨