
βCauayan City – Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang misa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ash Wednesday kahapon, ika-18 ng Pebrero.
βSa mensahe ni Reverent Father Vener Ceperez nitong Ash Wednesday, sinabi niyang kailangang bukal at malinis ang puso sa pagtanggap sa biyayang ipinagkakaloob ng Diyos.
βIpinaalala rin ng pari na madalas makaligtaan ng tao ang presensya ng Diyos sa araw-araw na pamumuhay.
βDahil dito, hinikayat niya ang mga mananampalataya na paigtingin ang personal na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
βPaliwanag pa niya, kapag nawawala sa puso ng tao ang presensya ng Diyos, mas nagiging madali ang paggawa ng kasalanan tulad ng panlilinlang at unti-unting nagiging sekular ang pamumuhay.
βAng Ash Wednesday ay isang mahalaga at banal na araw para sa mga Kristiyano dahil ito ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o Lenten Season.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










