Cauayan City – Pinalalakas pa ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago ang kampanya laban sa paninigarilyo at pagva-vape sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng masinsinang information drive.
Sa pangunguna ng mga Barangay Nurses, Midwives, at Barangay Health Workers, at sa tulong ng mga opisyal ng barangay, aktibong naipararating sa komunidad ang mga panganib na dulot ng paninigarilyo at paggamit ng vape sa kalusugan.
Bukod dito, mahigpit ding ipinatutupad ang pagbabawal sa pagpapaskil at pagpapakita ng mga advertisement ng produktong tabako at vape.
Ang nga nabanggit na hakbang ay alinsunod sa umiiral na Revised Anti-Smoking at Anti-Vaping Ordinance sa lungsod bilang bahagi ng adbokasiya para sa isang mas malusog na komunidad.
Samantala, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na makiisa sa layunin ng isang ligtas at smoke-free na Santiago City at agad i-report ang anumang paglabag sa City Health Office at sa Smoke-Free Santiago City Task Force.
Source: Santiago Health Office
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










