𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗖𝗢, 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 47 anyos na Indian national businessman, maging ang asawa nito at 2 anak edad walo at dalawang taong gulang matapos umanong hindi gumana ang pedal brake ng minamanehong SUV habang pababa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Malico, San Nicolas.

Sa salaysay ng biktima, pababa sila sa kahabaan ng bulubunduking bahagi nang biglang mawalan ng kontrol sa preno dahilan para bumangga ang SUV sa gilid ng bundok.

Agad namang rumesponde ang MDRRMO ng bayan at nadala sa pagamutan ang mga biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments