𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔’𝗧 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Nawalan ng kontrol ang dalawang motor matapos magkasagian sa center road ng Brgy. Sta. Rosa, Sta. Maria.

Magkasalungat na direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan at pawang walang suot na protective helmet.

Nagtamo ng head injury ang 46 anyos na driver ng isang motor samantalang sugat at gasgas naman ang tinamo ng dalawang estudyante na driver at backride ng isa pang motor.

Nadala sa pagamutan ang mga biktima at nasa kustodiya ng Sta Maria Police Station para sa tamang disposisyon at pag-uusap ng dalawang panig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments