𝗣𝗜𝗡𝗢𝗬 𝗕𝗜𝗚 𝗕𝗥𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢

CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng Star Magic at ABS-CBN TV Production Head na si Laurenti Dyogi, o mas kilala bilang Direk Lauren, sa kanyang Instagram live kamakailan na muling magbubukas ang Bahay ni Kuya sa darating na Hunyo.

Ayon kay Direk Lauren, mayroong four (4) on-ground auditions para sa mga nais maging Pinoy Big Brother (PBB) housemates na magsisimula sa April 27 at 28 sa Metro Manila, at sa mga susunod na linggo naman ay sa Visayas, Mindanao, at Luzon.

Dagdag pa rito, magkakaroon din sila ng virtual o online auditions.


Nagpost din ng naturang pahayag sa X (dating Twitter) ang official page ng Pinoy Big Brother.

Sa ngayon, wala pang karagdagang detalye tungkol sa nasabing anunsyo.

Facebook Comments