
โ
โCauayan City – Tumaas ang pondo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 2 para sa taong 2026 sa halagang P707 milyon, mula sa P656 milyon noong 2025.
โ
โIto ay upang palakasin ang pagbibigay ng libreng insurance sa mga magsasaka at mangingisda sa Cagayan Valley at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).
โ
โAyon kay PCIC Regional Manager Mario Lumidao, noong 2025, nakapagbayad ang PCIC Region 2 ng mahigit P231 milyon sa claims ng halos 29,000 magsasaka na naapektuhan ng ibaโt ibang panganib sa agrikultura.
โ
โDagdag pa niya na magpapatuloy ang libreng crop insurance para sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
โ
โSaklaw nito ang palay, mais, high-value crops, livestock, fisheries, at farm machinery sa mga lalawigan ng Cagayan Valley at CAR na sakop ng PCIC Region 2.
โ
โInanunsyo rin ang pagtaas ng insurance coverage sa piling lugar, mula P20,000 hanggang P25,000 kada ektarya para sa pananim at P50,000 hanggang P70,000 kada ektarya para sa niyog. Saklaw ng programa ang minimum na 1,000 square meters hanggang tatlong ektarya bawat magsasaka o sambahayan.
โ
โHinikayat ni Lumidao ang mga magsasaka na agad iulat ang pinsalang dulot ng kalamidad at tiyaking rehistrado sa RSBSA upang makinabang sa insurance.
โ
โSource: PIA CAGAYAN VALLEY
———————–
โ
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










