Friday, February 6, 2026

𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢

‎‎Cauayan City – Nananatili sa dating presyo ang mga bilihin sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan.

‎Sa presyo ng mga gulay, nasa P100/kilo ang talong, ang sitaw at ampalaya ay P100/kilo, Okra na nananatiling P120/kilo, at ang repolyo na P60/kilo,

‎Ang kamatis naman ay nasa P40-60/kilo, habang ang mga pangrekado katulad ng bawang at sibuyas ay nasa ₱120/kilo, samantalang ang luya ay nasa P120/kilo.

‎Samantala, sa isda, nasa ₱240/kilo ang bangus, ₱160/kilo ng salmon head, ₱300/kilo naman ang galunggong na bilog habang ang Japa ay P170/kilo, ₱150/kilo ang tilapia, hito na P160/kilo, tahong na P100/kilo, pusit na P240/kilo, at hipon na P550/kilo.

‎P300 naman ang presyo sa kada kilo ng baboy, P450 ang kilo sa baka, habang P200 ang presyo ng kada kilo ng whole chicken.

‎Sa itlog, nasa 240-300 pesos pa rin ang isang tray depende sa size.

‎Paalala naman mga IDOL na mamimili ngayong araw, maaari tayo makaranas ng mga pag-ulan kaya naman magdala tayo ng payong bilang pananaga sa ulan.

‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments