Nakitaan ng bahagyang pagbaba ang presyo ng produktong bangus sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan, ilang araw bago ang selebrasyon ng Bangus Festival.
Ang presyo, naglalaro mula PHP 140 – PHP 150 kada kilo mula sa dating presyo nito na PHP 180 – PHP 200.
Ayon sa alkalde, ito ay dahil sa mataas na demand. Sa kabilang banda, paninigurado ng alkalde nananatiling matatag ang produksyon nito. Dagdag pa na inaasahang tataas ang presyo nito sa pagtatapos ng Bangus Festival.
Samantala, inaasahan naman na aabot ng nasa 12,000 piraso ng bangus o aabot sa limang libong kilo ng bangus ang iihawin sa gaganapin na Kalutan Ed Baley bilang parte ng kapistahan ng lokal na produkto ng lungsod na bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments