𝗖𝗛𝗘𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟰

Sumalungat ang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) Regional Office 1 sa katotohanan ng anunsyong kumakalat sa social media patungkol sa Cash Assistance 2024 program.

Sa naturang post, maaari umanong makatanggap ng PHP 5, 000 cash assistance ang mga graduating elementary, high school, senior high school at college students sa pamamagitan ng pagpapasa ng patunay na sila ay graduating student hanggang May 25 ngayon taon.

Binigyang-diin ng CHED na ito ay disinformation. Nagbigay-abiso rin ang tanggapan na mangalap bg impormasyon sa mga legitimate at verified sources ukol sa cash assistance. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments