Thursday, February 19, 2026

โ€Ž๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—š๐—จ๐—”๐—ฅ๐——, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—•๐—จ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—›๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—จ๐—–๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—ฆ๐—”๐——๐—”

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang nakahintong truck sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela, gabi ng Pebrero 18, 2026.
โ€Ž
โ€ŽKinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Dingdong”, isang security guard at residente ng Angadanan, Isabela.
โ€Ž
โ€ŽMinamaneho niya ang isang Honda Click nang salpukin nito ang likurang bahagi ng isang Isuzu truck na minamaneho ni alyas “Popoy” na pansamantalang nakahinto sa gilid ng national road.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa paunang imbestigasyon, parehong tinutungo ng dalawang sasakyan ang magkaparehong direksyon nang huminto sa gilid ang truck upang suriin ang diperensyal nito at may nakabukas umanong hazard lights bago naganap ang banggaan.

Sa tindi ng impact, nagtamo ng matinding pinsala ang biktima at agad na isinugod sa ospital.
โ€Ž
โ€ŽGayunman, idineklara siyang dead on arrival ng doktor.

Hawak na ng pulisya ang drayber ng trak habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga sasakyan.
โ€Ž
โ€ŽSource: PNP Cauayan
Photo credit: PNP Cauayan

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

โ€Ž

Facebook Comments