
Cauayan City โ Naharang ng pulisya sa isang checkpoint sa Sadanga, Mountain Province ang dalawang estudyante na umanoโy tila na nakagamit ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat, ang dalawang estudyante ay nasa edad 18 at 21 at pawang tubong Nueva Vizcaya.
Sakay ng dalawa ang isang motorsiklo, at bilang bahagi ng nakalatag na checkpoint, pinahinto ng mga awtoridad ang mga ito upang suriin, at dito napansin ang umanoโy pamumula ng kanilang mga mata.
Ito ang nag-udyok sa kapulisan na magsagawa ng mas masusing inspeksyon kung saan nakita ang isang pahabang bagay na nakausli mula sa bag na nakalagay sa footrest ng driver.
Sa isinagawang pagsusuri, pinaghinalaang marijuana ang naturang bagay kaya agad na inaresto ang dalawa.
Batay sa impormasyon mula sa Mountain Province Information Office, tinatayang nasa dalawang kilo ng hinihinalang tuyong marijuana ang nakumpiska sa operasyon at agad na dinala sa crime laboratory para sa pagsusuri.
Matapos ang pagkakadakip, dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at isinailalim sa drug testing. Inaasahan silang haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










