Wednesday, April 15, 2026

Grupong PISTON, magsasagawa ulit ng malawakang transport strike sa Abril 21

Naghahanda na rin ang grupong PISTON ng malawakang tigil-pasada ngayong buwan ng Abril.

Kasunod na rin ito ng tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela na magtatagal hanggang Biyernes.

Sa panayam ng DZXL RMN Manila kay PISTON Coordinator Cerilo Latoreno, isang araw lamang ang isasagawa nilang nationwide transport strike sa Abril 21.

Panawagan pa rin ng grupo na suspendehin ang VAT at excise tax sa langis.

Samantala, dahil sa mataas na presyo ng diesel, nasa 50 percent ng mga tsuper ng Mabini-Divisoria-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (MDIBAJODA) ang hindi na namamasada.

Ayon kay MDIBAJODA President Eduardo Buella, ang ibang driver ay naghahanap muna ng ibang mapagkakakitaan.

Facebook Comments