₱1-M na death benefit, natanggap na ng pamilya ng 26 na healthcare workers na namatay sa COVID-19

Natanggap na ng 26 na pamilya ng mga nasawing healthcare workers dahil sa COVID-19 ang kanilang ₱1 million death benefit mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang apat na pamilya ng mga namatay na health workers ay kasakuluyan pang pino-proseso ang mga kanilang mga dokumento gayundin ang dalawang pamilya na nasa ibang bansa.

Bukod dito, 10 naman mula sa 42 na mga health workers na nagkaroon ng “severe” COVID-19 infection ang nakatanggap na ng ₱100,000 sickness benefit.


Nabatid na hanggang ngayong araw na lamang (June 9) ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte para maibigay ang kompensasyon sa health workers na nasawi at nagkaroon ng COVID-19.

Facebook Comments