Narekober ng mga mangingisda ang 22 kahon ng pinaghihinalaang ilegal na sigarilyo sa karagatang sakop ng Barangay Dacap Sur, Bani, Pangasinan, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱729,600.
Narekober ang mga kahon may 13 nautical miles sa kanluran ng nasabing barangay at iniulat sa Bani Municipal Police Station dakong alas-4:50 ng hapon noong Nobyembre 14, 2026.
Sa pagsusuri ng pinagsanib na grupo ng mga awtoridad at Philippine Tobacco Institute, Inc. (PTI), natukoy na naglalaman ang mga kahon ng 116 rim ng President Filter Cigarettes.
Wala umanong BIR tax stamp, address ng manufacturer, graphic health warning at impormasyon ng DOH hotline ang mga sigarilyo. Matapos ang imbentaryo, isinailalim sa pagsira at tamang pagtatapon ang mga ito noong araw ding iyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







