₱13 MILYONG FARMER’S CIVIC CENTER, ITATAYO SA DALAWANG BARANGAY SA BACNOTAN, LA UNION

Sisimulan na ang pagtatayo ng dalawang Farmer’s Civic Center sa Barangay Bacsil at Barangay Nagsaraboan sa bayan ng Bacnotan, La Union kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony noong Oktubre 27, 2026.

Nagkakahalaga ng tinatayang 6 na milyong piso ang itatayong Farmer’s Civic Center sa Barangay Bacsil, habang 7 milyong piso naman ang nakalaang pondo para sa proyekto sa Barangay Nagsaraboan, o kabuuang 13 milyong piso para sa dalawang pasilidad.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Barangay Chairman Romeo Almoite sa lokal na pamahalaan dahil sa pagtugon nito sa kanilang kahilingan na magkaroon ng mas malawak at maayos na lugar para sa mga aktibidad at pagtitipon sa barangay.

Bukod sa magsisilbing venue para sa mga pagpupulong at pagtitipon ng mga residente, inaasahang magiging sentro rin ang mga pasilidad ng iba’t ibang programa at aktibidad na nakatuon sa mga magsasaka.

Layunin ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan na magkaroon ang mga magsasaka ng maayos na lugar para sa kanilang mga pagpupulong at programa na magsusulong sa kanilang kabuhayan at magpapalakas sa sektor ng agrikultura sa nasabing mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments