May mga Pangasinense pa rin ang aminadong nahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa dami ng mga kakumpetensya at kapwa nag-aapply rin sa kanilang mga nais na pasukin na trabaho.
Sinisikap naman umano itong tugunan ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Public Employment Services Office (PESO) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at probinsya upang maipaabot ang mga programa tulad ng mga job fair.
Ayon kay Ruby Mae Reyes, Constituent Services Officer, Job Fair Focal – Office of the Senate President Win Gatchalian, patuloy umano ang mga isinasagawang programa na makatutulong upang madagdagan pa ang bilang ng mga Pangasinenseng natatanggap sa trabaho.
Binibigyang katiyakan din ni Darwin Hombrebueno, DOLE Western Pangasinan Office Head, ang karapatan at kapakanan ng mga empleyado kung saan nabibigay ang mga nararapat ng benepisyo at compensation.
Samantala, daan-daang mga aplikante mula sa lalawigan ang dumalo at nag-apply sa higit limang libong alok na bakanteng trabaho sa isinagawang Mega Job Fair noong November November 12, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







