NATIONAL DAY OF REMEMBRANCE PARA SA MGA NASAWI AT NAKALIGTAS SA AKSIDENTE SA KALSADA, GINUNITA SA GUMAPOS BRIDGE SA BINMALEY

Isinagawa ang isang seremonya ng pagbabasbas sa Gumapos Bridge sa Binmaley, Pangasinan ngayong Nobyembre 15, bilang pakikiisa sa paggunita ng National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors, and Their Families.

Layunin ng aktibidad na alalahanin ang mga nasawi sa mga aksidente sa kalsada, kilalanin ang mga nakaligtas, at ipakita ang pakikiisa sa mga pamilyang patuloy na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng Land Transportation Office (LTO) Region 1, mga miyembro ng kapulisan Binmaley Municipal Police Station at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley.

Binasbasan ni Rev. John Steve Daracan ang nasabing tulay maging nag alay rin ng dasal para sa kaligtasan ng mga motorista, pasahero, pedestrian, pati na rin mga gumagamit ng kalsada.

Nagsisilbi rin itong paalala sa kahalagahan ng pagiging responsable, maingat, at disiplinado sa kalsada upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring kumitil ng buhay.

Muling iginiit na ang kaligtasan sa lansangan ay hindi lamang responsibilidad ng mga awtoridad kundi pananagutan ng bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments