Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit ₱130-M na pondo para ayudahan ang mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng shearline.
Ayon sa DSWD, mayroong ₱56.50-M na quick response fund ang ahensya at ₱75.56-M na standby funds para sa mga field office.
Naka-preposition na ang ang 60,905 family food packs sa Visayas Disaster Response Center sa Mandaue City na ipinapamahagi na.
Base sa report, nasa 98 na barangay ang naapektuhan sa Eastern Visayas, Region 10 at CARAGA.
Higit kalahati o 55 na barangay na naapektuhan ay mula sa Region 10.
Tinatayang 15,487 pamilya o 69,323 indibidwal mula sa 98 barangay sa tatlong rehiyon ang naapektuhan.
Nasa 9,409 pamilya o 45,813 residente 387 katao ang pansamantalang nanuluyan sa 34 na evacuation centers sa Region 10 at CARAGA.
May 118 pamilya naman ang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak.