₱27.6-M na halaga ng shabu galing India, nasabat ng PDEA sa Cavite

Tinatayang nasa mahigit ₱27 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang “controlled delivery operation” laban sa isang babae sa Trece Martires City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Leonila De La Cruz sa Barangay Aguado.

Ang parsela ay galing ng India at dumating sa Port of Clark noong April 9, 2022.


Nakatago ang apat na kilo ng shabu sa apat na kahon ng motorcycle sprocket box at nakapangalan kay Dela Cruz.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng pinagkukunan o supplier ng naturang iligal na droga.

Kinasuhan na rin si Dela Cruz ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments