Quirino Province, Nanatiling COVID-19 Free;Pagsunod sa Health Protocol, Ipinaalala sa Publiko

Cauayan City, Isabela- Muling nanatili sa pagiging COVID-19 Free ang lalawigan ng Quirino matapos gumaling ang pinakahuling pasyente na kanilang inoobserbahan.

Sa ngayon, 8,079 ang COVID-19 confirmed cases cases sa probinsya at 7,817 naman ang nakarekober sa sakit at nanatili rin sa 262 ang COVID related death.

Bagaman wala nang naitalang panibagong tinamaan ng sakit ay patuloy pa rin sa pagpapaalala ang Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF upang matigil ang pagkalat ng virus.

Hinimok naman ang mga hindi pa bakunado na magpaturok ng COVID vaccine upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Facebook Comments