Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Matnog Port, sa Sorsogon ang ₱3 Milyong halaga ng mga undocumented used clothes o mga ukay-ukay.
Batay sa impormasyon ng PCG, napansin ng K9 team ang mga bundle ng mga gamit na damit sa loob ng isang sasakyan habang nagsasagawa ng paneling inspection.
Sa inspeksyon, nabigo ang driver na magpakita ng mga kaukulang dokumento kaugnay ng legalidad ng nasabing mga bagay.
Agad kinumpiska ng PCG ang mga gamit dahil nilabag ng driver ang RA 4653 o isang batas para pangalagaan ang kalusugan ng mga tao at mapanatili ang dignidad ng bansa sa pamamagitan ng pagdeklara nito bilang pambansang patakaran na ipagbawal ang pag-aangkat ng mga tela na karaniwang kilala bilang used clothing at basahan.
Ang mga nakumpiskang ukay-ukay ay agad i-tinurn over ng PCG sa ahensiya ng Bureau of Customs (BOC) para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.