Focus crime sa bansa sa unang mga araw ng 2024, bumaba ng mahigit 37% -PNP

 

Bumaba ng 37.32% ang focus crimes sa bansa sa unang 11 araw ng 2024.

Batay sa datos ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), mula January 1 hanggang 11, nakapagtala lamang ng 759 focus crimes kumpara sa 1, 211 na insidente sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Base naman sa datos mula January hanggang December 2023, may kabuuang 38,230 na insidente ng focus crimes ang naitala ng PNP na mas mababa ng 8.44 percent sa 41,755 na insidente na iniulat sa parehong panahon noong 2022.


Ang 8 focus crimes ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft at motorcycle theft.

Facebook Comments