₱4.7-M halaga ng shabu, nakumpiska ng mga otoridad sa Tawi-Tawi

Arestado ang tatlong drug suspek sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bongao, Tawi-Tawi kagabi.

Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Debold Sinas, ang mga naaresto ay sina Hassan Anggie Hawaan, Mannan Nusuri Muhadi at Mudzna Anggie, mga residente ng Sitio Pundohan, Brgy. Simangal, Sitangkai, Tawi-Tawi.

Nakuha sa mga ito ang 14 na packs na plastic sachet na may shabu na may halagang ₱4.7 milyon, cellphone at ilang ID cards.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bongao Municipal Police Station ang mga naaresto at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.

Facebook Comments