Umabot sa 27,730 gramo ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, 511 gramo ng marijuana kush at 240 mililitro ng hinihinalang liquid marijuana ang nakumpiska, na may kabuuang Standard Drug Price na ₱4,913,400.
Kabilang sa mga narekober ang ilang kahon ng compressed marijuana bricks at vacuum-sealed sachets, mga bote na naglalaman umano ng marijuana kush, at vape cartridges na may hinihinalang marijuana oil.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon ng Urdaneta City Police Station bilang lead unit, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1 at iba pang police units.
Arestado sa operasyon ang isang 18 anyos na lalaki, na pansamantalang naninirahan sa Urdaneta City at tubong Bacnotan, La Union.
Bukod sa mga hinihinalang ilegal na droga, nakumpiska rin ang isang .22 caliber revolver na walang serial number, na may anim na bala, at isang smartphone.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office OIC Provincial Director PCOL Dennis L. De Leon, patuloy ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga at mga hindi lisensyadong baril. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








