ORIGINAL SONG COMPOSITION NG ISANG LOKAL MULA CALASIAO, UMANGAT SA ONLINE STREAMING PLATFORMS

Na LSS na rin ba kayo sa kantang “Na Para Bang?” Siguradong mas mamahalin niyo pa ang kantang ito dahil ang boses sa likod ng awiting yan ay pride ng Calasiao, Pangasinan.

Talaga namang nakikilala na sa mundo ng musika ang young artist na si Mariah Deborah tubong Gabon, Calasiao matapos mag number 1 sa online streaming plaforms na Apple Music Philippines, Billboard Hot Philippine songs at mapabilang din sa top 50 Spotify Philippines, ang kaniyang hit single na “Na Para Bang”.

Relate na relate kasi ang mga music lovers sa bawat liriko ng kanta na swak na swak lalo na sa kapwa niya mga Gen-Z.

Lalo pang umingay ngayon ang pangalan ni Mariah Deborah nang mapanood itong mag-perform sa isang bus-based music platform na nagpi-feature ng mga music artist lulan ng kanilang bus at ipinapalabas sa social media.

Maliban sa “Na Para Bang” ay inawit niya rito ang ilan sa kaniyang mga original song compositions na tiyak na umagas muli sa pansin ng mga manonood.

Mula sa simpleng bayan ng Calasiao, ngayon ay sikat at na pinag-uusapan sa buong bansa ang galing at talento ng isang dalagang Pangasinense na noon ay nangangarap lamang na makilala ang kaniyang mga musika.

Ang mga kagaya ni Mariah Deborah na mula sa isang simpleng batang mang-aawit ay isa lamang patunay na kapag pursigido sa paglinang ng ating mga talento ay tiyak na maabot ang pangarap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments