Arestado ang isang 23-anyos na lalaki matapos umanong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City noong Setyembre 21, 2026.
Dakong alas-11:45 ng umaga nang isagawa ng mga tauhan ng Police Station 5 ng Dagupan City Police Office ang operasyon.
Ayon sa ulat ng pulisya, matagumpay na nakipagtransaksyon ang poseur-buyer sa suspek. Matapos matanggap ng operating team ang napagkasunduang signal, agad itong inaresto.
Sa search incidental to lawful arrest, narekober umano ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Tinatayang nasa *isang gramo* ang bigat ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga, na may *Standard Drug Price na ₱6,800*.
Nasamsam din ang isang tunay na *₱500 bill* na sinabing ginamit bilang marked money, kasama ang apat na piraso ng tig-₱1,000 boodle money na may kaparehong serial number.
Narekober din ang isang coin purse at isang Suzuki Raider motorcycle.
Dinala ang suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensya sa kinauukulang awtoridad para sa dokumentasyon, inventory at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











