24-ANYOS NA SECURITY GUARD, ARESTADO SA SAN FABIAN; CALIBER REVOLVER AT BALA NAKUMPISKA

Arestado ang isang 24-anyos na security guard matapos ipatupad ng mga pulis ang isang search warrant sa kanyang tahanan sa San Fabian, Pangasinan noong Setyembre 23, 2026.

Pinangunahan ng San Fabian Municipal Police Station (MPS), ang pagpapatupad sa Search Warrant No. 2026-0046-D para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Ang search warrant ay inilabas ng Regional Trial Court sa Dagupan City, Pangasinan noong Setyembre 17, 2026.

Sa isinagawang paghahalughog sa bahay ng suspek, nakumpiska ng mga awtoridad ang isang caliber revolver, tatlong piraso ng live ammunition para sa Caliber .38, at isang kulay-abong sling bag.

Matapos ang operasyon, dinala sa San Fabian MPS ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang legal na disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon at pagproseso ng kaso laban sa suspek kaugnay ng umano’y paglabag sa batas hinggil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong baril at bala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments