Nagsagawa ng lecture orientation ang Binmaley Municipal Police Station (MPS) hinggil sa Response to Active Shooting Incident (RASI) para sa mga mag-aaral, guro at school personnel ng Binmaley School of Fisheries noong Setyembre 24, 2026.
Pinangunahan ni PLTCOL Lister A. Saygo, Chief of Police, kasama ang mga tauhan ng Binmaley MPS, ang isinagawang aktibidad na naglalayong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng school community sa posibleng active shooting incident at iba pang emergency situation sa loob ng paaralan.
Tinalakay sa orientation ang kahalagahan ng situational awareness, maagang pagkilala sa mga posibleng banta, agarang pag-uulat sa kinauukulan, wastong komunikasyon at mga pamamaraan ng paglikas sakaling magkaroon ng emergency.
Binigyang-diin din sa mga kalahok ang kahalagahan ng pananatiling kalmado, pagsunod sa mga emergency protocol at pakikipagtulungan sa mga rerespondeng awtoridad. Ipinaalala rin na dapat unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at iba pang nasa loob ng paaralan sa oras ng emergency.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng school administration at law enforcement authorities upang mapanatili ang ligtas at maayos na learning environment.
Bahagi ang naturang orientation ng patuloy na programa ng Binmaley MPS sa pagpapalakas ng police-community partnership at pagsusulong ng school safety, emergency preparedness at public awareness sa pamamagitan ng mga information at education activity.
Layunin ng naturang mga hakbang na maging mas handa ang school community sa pagtugon sa iba’t ibang emergency situation at mapalakas ang koordinasyon ng paaralan at mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









