Wednesday, July 1, 2026

₱85 na dagdag-sahod, kakainin lang ng VAT

Napakaliit para kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago ng ₱85 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) na unti-unti pang ipapatupad.

Diin ni Elago, kakainin lang ito ng 12% Value Added Tax o VAT at iba pang mapaniil na buwis sa bawat produkto at serbisyong kailangang bilhin ng mga manggagawa.

Sa huli, ayon kay Elago, ang pinakamabigat na pasanin ay bumabagsak sa mga manggagawa at sa mga kababaihang siyang pangunahing nagbabadyet at nag-aalaga sa kanilang pamilya.

Bunsod nito ay patuloy na isinisulong ni Elago ang panukalang batas na itaas sa ₱1,200 ang daily minimum wage sa buong bansa gayundin ang panukalang alisin ang 12% VAT sa kuryente, tubig, toll fees, produktong petrolyo, at iba pangunahing pangangailangan, gayundin ang excise tax sa langis.

Facebook Comments