Wednesday, July 1, 2026

PBBM, naniniwalang hindi INC ang nasa likod ng umano’y planong destabilisasyon; biyahe sa Canada, tuloy na tuloy na sa kabila ng banta

Hindi naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Iglesia ni Cristo (INC) ang nasa likod ng mga bantang destabilisasyon laban sa gobyerno sa gitna ng isinagawang pagtitipon ng grupo sa EDSA.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakarating sa pangulo ang mga ulat tungkol sa umano’y planong paglusob sa Kampo Aguinaldo, Kampo Crame, at Malacañang, pero wala aniyang basehan para isisi ito sa INC.

Nanawagan naman ang Palasyo sa liderato ng INC na maging mapagmatyag upang hindi magamit ng ibang grupo ang kanilang protesta para sa posibleng destabilisasyon.

Samantala, tuloy-tuloy na ang official visit ng pangulo sa Canada kahit pa may rally ang INC.

Sabi ng Palasyo matagal nang nakatakda ang biyahe at hindi dapat maantala ang trabaho ng pangulo dahil lamang sa mga ulat ng destabilisasyon.

Facebook Comments