𝟕𝟓 𝐉𝐎𝐁𝐒𝐄𝐄𝐊𝐄𝐑𝐒, 𝐇𝐈𝐑𝐄𝐃 𝐎𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐏𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑

Cauayan City – Hired on the spot ang 75 jobseekers sa isinagawang job fair ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa Queen Isabela Park.

Ayon kay Cecilia Claire N. Reyes, Manager ng Public Employment Service Office (PESO) Isabela, 53 na kumpanya mula sa iba’t ibang industriya gaya ng kainan, konstruksyon, enerhiya, at mga institusyong pang-edukasyon tulad ng Schools Division of Isabela at Isabela State University–Cabagan ang lumahok sa aktibidad.

Pinaalalahanan naman ni Provincial Administrator Atty. Christopher A. Mamauag ang mga jobseekers na panatilihin ang propesyonalismo at magandang asal upang makuha ang tiwala ng mga employer.

Giit niya, mahalagang taglayin ang interpersonal skills at praktikal na karanasan na hindi natututunan sa silid-aralan.

Samantala, pinuri ni DOLE Isabela Director Reginald B. Estioco ang matagumpay na pagsasagawa ng job fair at binati ang PESO Isabela sa pagkilalang Best PESO sa buong Cagayan Valley sa kategoryang first-class province.

Samantala, mahigit 700 katao ang nakiisa sa naturang one-day employment event.

————————-
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments