𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔𝗕𝗢𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗔𝗖𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗣𝗜𝗚𝗨𝗘

Cauayan City — Kasabay ng pagbubukas ng planting season, nagpahayag ang PNP Dinapigue ng paalala sa mga magsasaka, mangingisda, at mamimili ukol sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Sabotage Act.

Itinakda ng nasabing batas na ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel operations sa agrikultura at pangisdaan bilang ay itinuturing na economic sabotage, na isa sa pinakamabigat na krimen sa bansa.

Ayon sa mga awtoridad, layunin ng batas na protektahan ang mga magsasaka at mangingisda mula sa hindi patas at ilegal na kalakalan ng produkto, gayundin ang mamimiling Pilipino.

Kabilang sa mga parusa sa paglabag ang life imprisonment at multa na umaabot hanggang limang beses ng halaga ng produkto.

Bukod dito, ang mga kaso ay non-bailable, na nagpapakita ng tindi ng nasabing krimen.

Binigyang-diin ng PNP Dinapigue na ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ay mahalaga sa pagpapatatag ng ekonomiya at pagsigurong ligtas at maayos ang kalakalan ng pagkain sa rehiyon.

Source: PNP Dinapigue

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments