𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗚𝗔𝗠𝗕𝗟𝗜𝗡𝗚; 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗔𝗦

Arestado ang apat na katao na isinagawang anti-illegal gambling operation ng awtoridad sa Brgy. Cayambanan, Urdaneta City.

Pawang mga residente sa lugar ang mga naaresto maging isa nilang kasamahan na nakatakbo kinilalang si Ginalyn Macabitas.

Nakumpiska sa mga ito ang isang bingo shaker, cards at 75 chips, mga bato na ginagamit sa paglalaro at ang pusta na higit dalawang libong piso.

Haharap sa kasong paglabag sa PD 1602 sa ilalim ng RA 9287 ang mga arestadong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments