𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗦𝗔𝗣𝗨𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗖𝗧𝗩

Nakuhanan ng CCTV ang pagsalpok ng isang L300 van na minamaneho ni Nick Mallare residente ng Bauang, La Union sa ilan pang sasakyan sa kahabaan ng national road ng Brgy. Palacapac, Pozorrubio.

Umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar kung saan nag-overtake ang L300 sa isang sasakyan. Huli na nang makita ng driver ang kasalubong na wing van truck sa kabilang linya. Lumihis sa linya ang trak nang magsalpukan dahilan upang mabangga nito ang bisikleta na pagmamay-ari ng 79 anyos na lokal sa lugar kinilalang si Genaro De Vera. Bumangga ang trak maging sa ilan pang business establishments doon.

Nagtamo ng malubhang injuries si De Vera at idineklarang dead on arrival nang maitakbo sa pagamutan.

Negatibo sa alcohol breath test ang mga sangkot sa insidente. Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga sasakyang napinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments