
Cauayan City – Ginhawa para sa mga barangay officials, staff, at maging sa mga residente ang bagong tayong barangay hall sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Kapitan Ronald Peralta, sinabi nito na buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon nang masimulan nilang gamitin ang kanilang bagong barangay Hall.
Matatandaang sa unang mga panayam ng IFM News Team sa kapitan, isa proyektong nais nitong tutukan ay ang pagkakaroon ng barangay hall na mapakikinibangan ng lahat.
Aniya, masyadong masikip ang luma nilang barangay hall kung saan nalilimitahan ang kanilang paghahatid serbisyo sa kanilang mga kababayan dahil sa napakaliit na espasyo at kulang na kagamitan.
Bagama’t hindi pa tuluyang natatapos, ngayong may bago at mas malawak ng opisina ang Barangay, mas marami ng residente na nangangailangan ng serbisyo ang kanilang nabibigyang pansin.
Samantala, maliban sa bagong barangay hall ay ilang proyekto na rin ang kanilang natapos. Kabilang na dito ang ilang road concreting project at karagdagang streetlights sa ilang bahagi ng kanilang barangay.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










