𝗕𝗔𝗥𝗧𝗘𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang bartender na si Manuel Ereso, mula sa Bonuan Gueset Dagupan City, matapos saksakin ng katrabaho niyang bouncer.

Ang suspek kinilalang si Lorenzo Marcelino Jr. residente ng Brgy. Bolosan sa parehong lungsod, ay suspendido sa trabaho sa bar na matatagpuan sa kahabaan ng Perez Blvd.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nagtatrabaho si Ereso nang bigla na lang siyang saksakin ng lasing na si Marcelino sa likod gamit ang balisong.

Agad naman nadala sa pagamutan si Ereso at kasalukuyang nagpapagaling sa sugat na natamo. Samantala, patuloy na pinaghahanap si Marcelino nahaharap sa kasong frustrated homicide na isinampa ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments