𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Umaabot sa mahigit isang daang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa Isang nakumpiska sa Isang magsasaka sa bayan ng Asingan.

Ang suspek ay nakilalang si Bryan Gante residente ng Barangay Sanchez sa nasabing bayan.

Ikinasa ang search warrant implementation sa tahanan nito pasado alas singko ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng tatlumpu’t walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15.2 grams at nagkakahalaga ng ₱103k kasama pa ang ilang illegal drugs paraphernalia.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments